14: Ang tumakas sa Marcos 14:48-50
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
Alam niyo po itong aking ipapakita sa inyo ngayo ay isang nakakatawang aral ni Brother Eli Soriano. Ayon po kasi sa kaniya, ang mga humuli kay Cristo o yaong mga kawal daw ang tumakas. Ganito po ang isang tagpo sa buhay ni Brother Eli Soriano:
Nagtanong: Itatanong ko lang po `yung sa,. `yung sa panahon na ipinagkanulo ni Judas si Cristo. Kasi po doon sa Marcos na 50, 51, 52. `Yung dinakip na po Siya di ba po? Ang nakalagay dun e at iniwan Siya ng lahat at nagsitakas. Sino po `yung sa tingin n'yo ay nagsitakas? `Yung mga apostol po ba?Pansinin po natin na ang binasa niyang talata sa Biblia ay tungkol sa paghuli kay Cristo na nakatala sa Marcos 14:48-50. At ayon po kay Soriano, hindi daw po pwede na ang nag-iwan kay Cristo ay ang mga Apostol. Bakit kaya hindi pwedeng hindi siya iiwan ng mga Apostol sa panahong iyon? Pero sandali, bago po tayo maligaw ng usapan, tingnan po natin kung sino po ba talaga ang tumakas sa mga talatang ito. Ganito naman po ang mababasa natin sa Markos 14:50 ng Magandang Balita Biblia:
Soriano: [Binasa ang Mar. 14:48-50.] Ayun. Ang umiwan po sa kaniya ay ang mga dumadakip sa kaniya.
Nagtanong: Kaya iniwan. Di ba po dinakip Siya? Bakit po Siya iniwan?
Soriano: Hindi. Iniwan.. Hindi ho Siya dinakip nung oras na iyon.
Nagtanong: Ah.
Soriano: Iniwan Siya ng lahat ng dumadakip sa Kaniya at tumakas. Hindi po kasi pupuwede na ang nag-iwan sa Kaniya, mga apostol, e.
"Nagsitakas ang mga alagad at iniwan siya."Ayon po sa Biblia, ang mga alagad daw po ang tumakas. Malabo po talaga itong si Brother Eli Soriano. Ewan ko kung nag-aaral ba talaga ito ng Biblia o nagkukunwari lang na magaling.
<< Home