13: Ang araw sa Roma 13:13
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
Para sa inyo pong kaalaman, mayron pong itinuro si Brother Eli Soriano sa Ang Dating Daan tungkul sa araw na binabanggit sa Roma 13:13. Ayon po sa kaniya ang araw po dito ay SUN. Ganito po ang sabi niya:
Soriano: Patutunayan ko sa iyo na may pantas talaga sa Pilipinas, makinig ka lang. Ang tutol niya roon na `yon daw ay salita ni Juan. Ang sabi ko naman daw ay sabi ni Cristo, lalabas ay mali daw ako, e elementary lang `ika iyan di pa alam ni Soriano. Ganito `yan. Alam mo bang si Pablo, ang sabi niya ay "lumalakad ang araw" sabi ni Pablo? Basahin natin kapatid na Willy.Nung sabihin niya po na: "Presumably, ang paniwala ni Pablo lumalakad ang araw, at `yon naman talaga ang paniniwala ng unang tao." Ang akala ko po ay nakatama na siya at talagang napapatunayan niyang pantas siya kaso, ang karugtong ng sabi niya ay ganito: "It is the sun that makes the movement."
Willy: (Binasa ang Roma 13:13).
Soriano: Ang sabi ni Pablo na, "magsilakad tayo ng mahinhin gaya ng sa araw. Presumably, ang paniwala ni Pablo lumalakad ang araw, at `yon naman talaga ang paniniwala ng unang tao. Na `yung araw ang lumulubog at sumisikat, na waring siya ang kumikilos. It is the sun that makes the movement. Pero after we have studied Astronomy, scientists came into conclusion that it is not the sun that moves but it is the earth that revolves around the sun. `Yan. E mali ba si Pablo roon? Isipin mo ha? Mali ba si Pablo nang sabihin niya na `yung "araw lumalakad at siya nating dapat tularan?
Sun pala ang pag-aakala niya sa salitang araw sa talatang ating pinag-usapan. Pero teka baka naman tama siya at mali ang pagkaunawa ko. Atin pong tingnan sa English ang talatang ito:
Roma 13:13 KJVDito po ay malinaw ang sabi ni Apostol Pablo: "Let us walk honestly, as in the day." DAY naman pala ang tamang pagkasalin dito. E, bakit? Lumalakad ba ang DAY? Ay! Opo. Ang araw na DAY ay lumalakad, hindi gaya ng akala ni Soriano na ang araw na SUN ang lumalakad.
"Let us walk honestly, as in the day; not in rioting and drunkenness, not in chambering and wantonness, not in strife and envying."
Nais niya pong palabasin na mali po ang pagkaunawa ng mga unang mga tao ng Panginoong Dios. Ang hindi alam ni Soriano, siya ang may maling akala sa kaniyang nabasa sa Biblia.
<< Home