12: Ang nagsalita sa Lucas 3:14
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
Kung sa mga naunang post ko ay natunghayan natin ang mga pagkakamali ni Brother Eli Soriano sa pagtuturo ng history, ngayon naman try natin sa Biblia.
Ang pag-uusapan natin ngayon ay kung sino ang nagsasalita sa Lucas 3:14. Ganito po ang kaniyang pagtuturo:
Soriano: sa panahong. sa panahon ng ating Panginoong Jesus ano, hindi naman Niya sinabing mga sundalo'y h'wag nang magsundalo e. Ang sabi Niya lang sa mga sundalo, ganito:Sandali, totoo kayang si Cristo ang nagsasalita dito sa sundalo? Tingnan po natin sa Biblia:
Willy: Ito po ay nasa Lukas, sa 3 at 14: "At tinanong naman siya ng mga kawal na nagsasabi, at kami'y anong dapat naming gawin?"
Soriano: Nagtanong sa Kaniya ang mga sundalo. Ano naman ang gagawin namin? Sabi nila kay Jesus. Ang sabi ni Jesus a, mag-resign na kayo sa pagkasundalo dahil bawal. Ganun ba kapatid na Willy?
Willy: Hindi po. Soriano: Ano ang sabi ni Jesus?
Willy: "At sa kanila'y sinabi niya, huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni magparatang at magkasiya kayo sa bayad sa inyo."
Soriano: Kita mo. Hindi pinag-resign e. Huwag kayong kumuha na ma'y karahasan, e sa kaninuman o huwag kayong magparatang. Kagaya ng ginagawa ng ibang sundalo, nagpa-planted pagka galit sila sa tao, pinaplant `yung marijuana tapos huhulihin, ano? Huwag kayong magpaparatang, huwag kayong kukuhang may karahasan kundi magkasiya kayo sa bayad sa inyo. Therefore, they can continue being soldiers but they must not abuse their authority. Kunin n'yo lang `yung bayad na ukol sa inyo. Iyon ang sabi ni Cristo..
Sa Lukas 3:2, 14 ay ganito po ang ating mababasa:Dito po malinaw na ang nagsalita ay si Juan Bautista. Kung ganon malinaw din na mali si Brother Eli Soriano. Kaya muli manawagan tayo kay Soriano:
"2Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang.
"14At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo."
Brother Soriano, ano ba ito, mali ka na naman!
<< Home